Habang abala ang mga politiko sa bangayan at intrigahan, tila tuwang-tuwa ang China sa nagaganap. Ayon kay Retired Rear Admiral Rommel Jude Ong, ang political division sa Pilipinas ay malaking tulong sa agenda ng China, lalo naโt nakakalusot sila sa West Philippine Sea habang tayo ay distracted. โKung mag-aaway-away tayo, malaki ang benepisyo sa kanila,โ sabi ni Ong.
Dagdag niya, imbes na mag-focus tayo sa pagdepensa sa ating exclusive economic zone (EEZ), nagiging busy tayo sa paglamlam sa ating sariling problema. Sabi nga ng beteranong journalist na si Christian Esguerra, hindi lingid sa kaalaman ng China na ang pagkakawatak-watak ng mga politiko sa bansa ay pabor sa kanila. Mas gugustuhin pa nga nilang manalo ang mga lider na magpapakita ng simpatiya sa kanila. โMas gusto ng China na talo ang mga laban sa kanila,โ dagdag ni Esguerra. At eto na ngaโhabang ang mga isyung tulad ng Duterte controversies at internal politics ang laman ng headlines, tila maluwag na ang daan para sa China sa West Philippine Sea.
Wala nang mas nakakaaliw para sa kanila kaysa sa isang bansa na distracted sa sariling gulo. Kaya, mag-away pa more, mga kababayan. Ang China? Relax lang. Panalo na sila bago pa man magsimula ang laban.


