Taon taon ay ating pinagdiriwang ang Mahal na Araw at ito ay talagang napaka sagrado para sa ating mga Pilipino. Minsan kung iisipin ay mas tahimik pa ang mga araw na ito kumpara sa ibang araw tulad ng pasko. Sa mga araw patungo sa pasko ng pagkabuhay, ang lahat ay nagkakaisa sa pananamampalataya at sacripisyo. Kaya naman pala natin magkaisa basta tayo ay may pareparehong pinaniniwalaan. Ito ang mensahe ng mga lumitaw na grafitti art o murals sa iba’t-ibang lugar sa Mentro Manila. “Kami Naman – Ciento Benteng Mamamayan”. Ipinapakita ng mga artist na kung kinakailangan ay atin dapat tignan ang ating mga sarili bilang isang bansa, iisang Pilipino. Ang pagkakaisa natin ay ang magbibigay kapayapaan at Tamang direksyon sa ating kinabukasan. Hindi mas maganda kung tigil na natin ang gulo at bigyang importansya ang kapakanan ng tao kesa pang sariling interes ng iba. Ipaglaban natin ang para sa ating mga Pilipino, para sating lahat na ciento benteng Pilipino. Huwag natin buwagin ang ating bansa at wasakin ang ating pagiging Pilipino mula Luzon, Visayas at Mindanao.