Kami Naman. Ciento Benteng Mamamayan.

Nitong nakalipas na araw ay may lumitaw na mga murals o graffitti art sa iba’t-ibang lugar mula Caloocan, Navotas at Diliman. Pinapakita nito ang hangad ng tao na magsama-sama at magkaisa upang mapakinggan sa mga kaguluhan na nangyayari sa paligid. Totoo naman na hindi na tayo nawalan ng gulo at alitan mula sa iba’t-ibang partida sa gobyerno at talagang hindi pa natin nakakamit ang hangad na pagkakaisa. Ngayon na parating ang araw ng Kagitingan, tila isang paalala ito sa atin na tayong mga Pilipino ay lsang lahi at dapat na nagkakaisa para sa pag angat at pag buting ating bayan. Ating alalanin na kung may kaguluhan man na dumating ay isa nanaman itong hadlang upang tulyan tayong umusad. Kailangan natin tandaan na mula Luzon, hangang Mindanao, tayo ay iisang Pilipino na may nagkakaisang boses para mas tayo ay mapakingan. Itigil na ang gulo at pamumulika dahil ang mas importante ay ang serbisyo para sa mamamayan. Kami naman ang pakinggan, ciento
benteng mamamayan.

Caloocan
Navotas
Diliman