VP Sara isinuka ng oposisyon
Kinontra ng Liberal Party (LP) ang deklarasyon ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na si Vice President Sara Duterte na ang lider ng oposisyon matapos itong kumalas sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Vice President Duterte may assume the leadership of the partisan opposition to the Marcos Jr. administration, but LP remains the ideological and conscientious opposition to both the current administration and Duterte’s breakaway power bloc,” saad ni LP president at Albay Rep. Edcel Lagman.
Ayon naman kay LP spokesperson at dating Sen. Leila de Lima, wala sa track record ni VP Sara na maging lider ng oposisyon.
“Ang tunay na oposisyon, may pundasyon ng accountability, transparency, at pagmamalasakit sa mamamayan–mga bagay na hindi makikita sa track record ni VP Sara,” diin ni De Lima na ipinakulong sa administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte at pansamantalang nakalaya matapos payagan ng korte na makapag-piyansa noong Nobyembre 2023.
“Sa kanyang pagbibitiw, wala namang naganap na pag-ako sa res-ponsibilidad, o pagbabago ng mga prinsipyo at paninindigan. Paano na-ging oposisyon ang may pananagutang hanggang ngayon, sinisingil pa ng taumbayan?” dagdag pa ng dating senador.
Tutol din ang mga miyembro ng Makabayan bloc sa pahayag ni Roque na si VP Duterte na ang li¬der ng oposisyon matapos itong magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at vice-chair ng NTF-ELCAC. (BillyBegas/Eralyn Prado)
Originally Published https://www.abante.com.ph/2024/06/20/vp-sara-isinuka-ng-oposisyon/